Aba, nakapagtataka't marami na ngayong mga SOCIAL CLIMBER/PARENTS ang gustong turuan ang kanilang mga anak ng salitang ingles. Kaya nga't ayon, dapat daw pag nailuwal na ay kausapin sa ingles---para sosyal ang dating at lumaki ding social climber tulad ni Mami at Dadi.
Tae niyo.
Hindi ba't mas maganda kung matututuo ang bata sa paggamit ng kanyang sariling wika imbis na maaga pa lang ay tinuturuan na natin siyang tangkili-kili-likin ang mga banyagang bagay-bagay? Ambaho naman kung marunong nga siyang mag-ingles ngunit ang salitang pilipino ay baluktot---yuck, you're so nakakahiya!!! SUCH A LOSER!!
Tsaka niyo na pagkaabalahan ang ingles, pag maayos na at marunong nang gamitin ng bata ang sariling lenggwahe.
tsk tsk tsk
Kaya hindi naipagmamayan ngayon ang salitang pilipino eh. Tingnan mo, andaming maling grammar pero hinahayaan lang. Wala na tuloy standard.
Ang paglalakbay ng isang nilalang sa bansang kaALIW-ALIW
Friday, July 11, 2008
Friday, June 27, 2008
Ano Bang Meron sa Ano?
Madalas akong inuutusan ng aking nanay. Ngunit kahit iba-iba ang pakay ng kanyang pag-utos ay iisa lamang ang kanyanag bukambibig:
"Kunin mo nga yung ano."
"Hugasan mo na yung ano."
"Anuhin mo nga yung ano."
Ang hindi ko maintindihan ay marami ring tao ang kuntento na sa ano...
sa ano..
sa ano... (at sa pag sabi ko ng 'ano' ay may sense ang sinasabi ko kahit mukhang wala!!)
Ganyan na nga ba tayong mga pilipino? Madalas tayong makuntento sa 'basta-basta'? Bakit ko nasabi iyon? Marami sa atin ang tamad nang mag-isip sa pananalita. Yung tipong iisipin lang natin kung ano ang dapat sabihin ay hindi na natin pinipilit dahil tinatamad tayong mag-isip----at ito'y nauuwi sa pagsabi ng 'ano'.
Putang inang ano yan---ano bang meron sa ano?!!!
Nabasa ko sa isang aklat (uy, tagalog yan!!) tungkol sa Pilipinas na ang 'ano' ay isang 'watchamacallit' (kunyari na lang kaya mong basahin) o yung salitang maaring gamitin pamalit sa ibang salita (sample: chorva... Chinochorva ko si Chorva dahil siya ay Chorva).
Pero, hindi ba't mas maganda kung sinasabi talaga natin ang salitang gusto (at kailangan) nating gamitin imbis na makuntento sa salitang walang kamalay-malay sa global warming o sa tipo ng bra na sinusuot ni Katrina Halili (o ni Madame Auring)?
Maaring ang paggamit ng 'ano' ay kathartic (uy, nosebleed!!!) dahil sa kahit na papaanong paraan ay nailalahad natin ang maaaring nating ipahiwatig ngunit (at ito ay isang malaking Pwet--este, ngunit!!!) hindi ito nakabubuti sa komunikasyon.
Hindi lahat ng oras ay dapat tayong makuntento sa 'at leasts' (nose bleed nanaman!!) at matuto tayong mag-isip nang mabuti sa ating pananalita.
Pero hindi ko naman kayo pinipilit maniwala sakin dahil hindi naman ako si Pope John Paul II o si Kris Aquino. Tao lang. Pero , hindi nga...
Kung puro ano na lang, ano nang mangayayri sa ano natin, 'no? aanuhin pa tayo ng mga ano kung puro ano na lang ang inaano natin? Dapat nating tandaan na ang pag-aano ay nakabubuti sa ano ng ano.
Ano? Aano ka pa? Umano ka na lang, mas-aano pa ang ano mo.. Kwan.

Wednesday, May 21, 2008
Hoy, Mr. DJ... SHADDAP!!!
Pacenxa na kung medyo mainit ang ulo ko sa Philippine Radio because it is really becoming, well, corny. Actually, maayos naman sila---they are in good service when it comes to music or whatever (lalo na kung makamasa yung station. Di ko trip sina Willie Revillame, Callalily, 6Cycylemind, etc pero at least trip sila ng nakararami---madaming makikinig sa kanila). What first bothered me is yung (uy, Taglish Mode ako ngayon ah!!) Djs who are all trying hard to be FUNNY even if most of them are not really.I mean, try listening to most radio stations and mapapansin mo na kanya-kanya na sila ng recorded laughing effects (siguro para ipaalam sa audience nila na nagpapatawa pala sila... "AY!!! JOKE PALA YUN?!") Ano ba yun?! Panggaya or pangtalo sa tawa ni Nicoleyala ng Love Radio?!! Kung tutuusin, para sakin, maayus-ayos pa yung tambalan nina Nicole at Chris. Sila nga lang talaga yung worth listening kasi in fairness nangangalay ang ngala-ngala ko sa katatawa---and this is not based on me being biased but based on observation. My mom kasi would always turn the tuning knob to find a good station so marami na akong narinig na kabaduyan na pinaggagawa ng mga Djs--especially yung mga "maka-masa" radio stations. Basta, lahat sila may recorded laugh (new fashion ba iyon?!)Kahit nga yung isa sa mga favorite ko (dati) na stations, yung Campus Radio, nag-ala-"maka-masa" na and turned into Barangay Radio (ata yun). May Dj akong narinig and, siguro dio siya sanay na magpakawacky pero trying hard to be funny sioya kahit CORNY ANG JOKES AT MONOTONOUS SIYA MAGSALITA. I don't blame her--baka napipilitan lang siya dahil sa new format ng station. AT--siyempre---may recorded laugh effects din sila!!Isa pa sa pinakakakaasar na tambalan-wannabe (maraming gumaya kina Nicole ha!!!) ay yung sa WRR--yung naririnig ko pag umaga.Grabe--kasira sa araw. Huwag nga silang puro gaya ang BE REAL (nagha-hyperventilate nanaman ako!! Hahaha!!). I mean, maayus-ayos pa nga yung Wave, NU, Love, and yung ibang stations kasi they're keeping it real at maayos ang programs nila.Pero karamihan talaga, trying hard--ech!! Sayang din yung Campus Radio, dati puro POP ang tugtug dun ngayon luminya pa sila sa WRR,Yes,Energy, etc. Eh, siksikan na sila sa pagiging pareho ng pinapatugtog eh. Tsk tsk tsk...(Aba, ngayon ko lang napansin, HEART STATION by UTADA HIKARU pala pinakikinggan ko habang tinatype ko ito. What a coincidence!!!!)At pwede ba---Si Chris ay si Chris at si Nicole ay si Nicole!!! Huwag nang paggagagayahin pa---ang daming trying hard.
Thursday, February 28, 2008
Ang Bastos na Jeepney
Isa sa mga nakakatuwang bagay sa bansang ito ay ang kanilang sasakyan na tanging dito lamang makikita: ang Jeepney. Hindi ako sigurado kung matutuwa ka o magugulantang kapag nakakita ka ng jeepney at matantong nasa PILIPINAS KA!!!Pero sa kaso ko, natuwa ako. PILIPINAS!! ANG AKING DESTINASYON!!!
Nalungkot ako dahil hindi pa ako makaksakay ng Jeepney dahil hindi naman ito dederetso sa aking patutunguhan. Hindi ko pa siya kailangan...
May suspense......Hinintay ko ang bus na magdudulot saa aking patutunguhan. At nang dumating ito, natuwa ako hindi sa kadahilanang makakasakay na ako kundi dahil air-con ito!!WOW!! May Airconditioned bus din dito!!! HAHAHA!! ASTIG TALAGA!!!
Kaso, nagkaproblema ako pagkapara ko sa bus na ito habang nakatayo sa sidewalk; anak ng pucha, may jeep na humarang sa harapan ko!!
BASTOS!!!
kinawayan ako nung driver na POGI (hindi siya gwapo, pogi siya).
Aba, akala ata ay sasakay ako sa kanya kahit na malayo ang tingin ko sa sasakyan niya. Nang di magtagal ay umalis na ang bus na hindi na ako hinintay. Hindi ako nakasakay dahil tumigil ang bastos na jeepney sa harapan ko at pag tipong tatawid na ako'y sumusulong ito kaya't napapa-atras ako.
GUSTO NIYA AKONG PASAKAYIN.
Sinigawan ko yung driver, "BAKIT?!! DADAAN BA KAYO SA BUENDIA, TAFT?!!!"
Hindi siya naka-imik. Eh, tae pala siya, hindi ko naman siya pinapara eh!!!

Tuesday, February 19, 2008
Sa Pilipinas
Sa aking paglalakbay sa mundong ibabaw (o ilalim.. eh alin nga ba ang ibabaw at ilalim???), napadpad ako sa lugar na lubos kong ikinatuwa. Hindi ko masabi kung ang tuwang iyon ay positibo sapagkat ang tuwang naramdaman ko ay tuwang nakakatawa.
Hindi lahat ng nakakatawa ay positibo.
O sige na nga, koreksyon: Hindi ako natuwa, naALIW ako sa lugar na ito.
Ang lugar na aking itinutukoy ay ang Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa Asia sa pagitan ng noo ni Sandara Park at bumbunan ni Piolo Pascual.
Maraming bagay bagay na nakakaaliw sa lugar na ito. Masaya naman sila--ang mga Pilipino. Sila nga ay isa sa mga pinakamasayang tao sa buong mundo at ang Pilipinas ay isa rin sa pinaka-Corrupt na bansa sa mundo.
OH DI BA?!! ALIW!!!
Oh, ano? Sasama ka ba sa aking paglalakbay sa mundong kakaiba??
Sige,simulan na natin.

Subscribe to:
Comments (Atom)