Ang paglalakbay ng isang nilalang sa bansang kaALIW-ALIW

Thursday, February 28, 2008

Ang Bastos na Jeepney

Isa sa mga nakakatuwang bagay sa bansang ito ay ang kanilang sasakyan na tanging dito lamang makikita: ang Jeepney. Hindi ako sigurado kung matutuwa ka o magugulantang kapag nakakita ka ng jeepney at matantong nasa PILIPINAS KA!!!Pero sa kaso ko, natuwa ako. PILIPINAS!! ANG AKING DESTINASYON!!!
Nalungkot ako dahil hindi pa ako makaksakay ng Jeepney dahil hindi naman ito dederetso sa aking patutunguhan. Hindi ko pa siya kailangan...
May suspense......Hinintay ko ang bus na magdudulot saa aking patutunguhan. At nang dumating ito, natuwa ako hindi sa kadahilanang makakasakay na ako kundi dahil air-con ito!!WOW!! May Airconditioned bus din dito!!! HAHAHA!! ASTIG TALAGA!!!
Kaso, nagkaproblema ako pagkapara ko sa bus na ito habang nakatayo sa sidewalk; anak ng pucha, may jeep na humarang sa harapan ko!!
BASTOS!!!
kinawayan ako nung driver na POGI (hindi siya gwapo, pogi siya).
Aba, akala ata ay sasakay ako sa kanya kahit na malayo ang tingin ko sa sasakyan niya. Nang di magtagal ay umalis na ang bus na hindi na ako hinintay. Hindi ako nakasakay dahil tumigil ang bastos na jeepney sa harapan ko at pag tipong tatawid na ako'y sumusulong ito kaya't napapa-atras ako.
GUSTO NIYA AKONG PASAKAYIN.
Sinigawan ko yung driver, "BAKIT?!! DADAAN BA KAYO SA BUENDIA, TAFT?!!!"
Hindi siya naka-imik. Eh, tae pala siya, hindi ko naman siya pinapara eh!!!

Tuesday, February 19, 2008

Sa Pilipinas

Sa aking paglalakbay sa mundong ibabaw (o ilalim.. eh alin nga ba ang ibabaw at ilalim???), napadpad ako sa lugar na lubos kong ikinatuwa. Hindi ko masabi kung ang tuwang iyon ay positibo sapagkat ang tuwang naramdaman ko ay tuwang nakakatawa.
Hindi lahat ng nakakatawa ay positibo.
O sige na nga, koreksyon: Hindi ako natuwa, naALIW ako sa lugar na ito.
Ang lugar na aking itinutukoy ay ang Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa Asia sa pagitan ng noo ni Sandara Park at bumbunan ni Piolo Pascual.
Maraming bagay bagay na nakakaaliw sa lugar na ito. Masaya naman sila--ang mga Pilipino. Sila nga ay isa sa mga pinakamasayang tao sa buong mundo at ang Pilipinas ay isa rin sa pinaka-Corrupt na bansa sa mundo.
OH DI BA?!! ALIW!!!
Oh, ano? Sasama ka ba sa aking paglalakbay sa mundong kakaiba??
Sige,simulan na natin.