Ang paglalakbay ng isang nilalang sa bansang kaALIW-ALIW

Friday, June 27, 2008

Ano Bang Meron sa Ano?

Madalas akong inuutusan ng aking nanay. Ngunit kahit iba-iba ang pakay ng kanyang pag-utos ay iisa lamang ang kanyanag bukambibig:
"Kunin mo nga yung ano."
"Hugasan mo na yung ano."
"Anuhin mo nga yung ano."
Ang hindi ko maintindihan ay marami ring tao ang kuntento na sa ano...
sa ano..
sa ano... (at sa pag sabi ko ng 'ano' ay may sense ang sinasabi ko kahit mukhang wala!!)
Ganyan na nga ba tayong mga pilipino? Madalas tayong makuntento sa 'basta-basta'? Bakit ko nasabi iyon? Marami sa atin ang tamad nang mag-isip sa pananalita. Yung tipong iisipin lang natin kung ano ang dapat sabihin ay hindi na natin pinipilit dahil tinatamad tayong mag-isip----at ito'y nauuwi sa pagsabi ng 'ano'.
Putang inang ano yan---ano bang meron sa ano?!!!
Nabasa ko sa isang aklat (uy, tagalog yan!!) tungkol sa Pilipinas na ang 'ano' ay isang 'watchamacallit' (kunyari na lang kaya mong basahin) o yung salitang maaring gamitin pamalit sa ibang salita (sample: chorva... Chinochorva ko si Chorva dahil siya ay Chorva).
Pero, hindi ba't mas maganda kung sinasabi talaga natin ang salitang gusto (at kailangan) nating gamitin imbis na makuntento sa salitang walang kamalay-malay sa global warming o sa tipo ng bra na sinusuot ni Katrina Halili (o ni Madame Auring)?
Maaring ang paggamit ng 'ano' ay kathartic (uy, nosebleed!!!) dahil sa kahit na papaanong paraan ay nailalahad natin ang maaaring nating ipahiwatig ngunit (at ito ay isang malaking Pwet--este, ngunit!!!) hindi ito nakabubuti sa komunikasyon.
Hindi lahat ng oras ay dapat tayong makuntento sa 'at leasts' (nose bleed nanaman!!) at matuto tayong mag-isip nang mabuti sa ating pananalita.
Pero hindi ko naman kayo pinipilit maniwala sakin dahil hindi naman ako si Pope John Paul II o si Kris Aquino. Tao lang. Pero , hindi nga...
Kung puro ano na lang, ano nang mangayayri sa ano natin, 'no? aanuhin pa tayo ng mga ano kung puro ano na lang ang inaano natin? Dapat nating tandaan na ang pag-aano ay nakabubuti sa ano ng ano.
Ano? Aano ka pa? Umano ka na lang, mas-aano pa ang ano mo.. Kwan.